#DTMemoryLane by ruffa Castillo
Di ko matag tong page sa post ko kaya post ko nlang ulit dito. :)
Oohh oh oh oh oh 2-0-1-2!
Parang kelan lang ung unang beses ko kayong napanood sa Party Pilipinas. Di naman talaga ako mahilig sa artista nun e. Bet ko lang talaga yung hairstyle nyo nun kasi kakaiba. Pati ung ending nyo ng 2012 prod nyo. Grabe naastigan talaga ko dun. so pagkatapos na pagkatapos ng prod nyo online agad ako. More search ako ng fanpage nyo para malaman ko name nyo at maadd sa fb. Ewan ko ba, parang may something na talaga sa inyo e. At nung isa isa nyo na kong inaccept, nagulat ako kasi marunong kayo magreply, hehe
Hanggang sa nakilala nyo nako, siguro kasi lagi nga akong present. Nakuha ko tiwala nyo at ni ate Mimi. :)) Na naging way para mas mapalapit pa ko sa ibang Marsians.
Bilang isang Marsian, madami talaga ako natutunan sa inyo about sa buhay buhay na talagang ikinaunlad ng pagkatao ko. (Naks! Ang lalim. Haha) Dahil din sa pagiging Marsian di naging boring ang College life ko. Akala ko magiging Bahay-school lang magiging routine ko sa buong apat na taon. Pero HINDI! Hahahaha! Kung saan-saan pa nga ako nakarating. At sa buong 3yrs na un, kadamihan nun puro takas. Haha Natuto akong magtipid, magtiis ganda, candy candy lang (Malltour days :D) para makapush sa malltours! :)))
Ngayon, tatlong taon na din pala yun. Ang bilis lang ang sarap lang talagang balikan. Madami na din tayong pinagdaanan na sama-sama at nakakatuwa dun nananatili padin tayong SOLID hanggang ngayon at mas mas dumadami pa! Nung umalis ako nun, madami ako narealize talaga na parte na talaga kayo ng buhay ko na di ko talaga kayo kayang iwan. Huhu Im so sorry sa mga panahon na yun pero alam ko nmn na naiintndhan nyo ako.
Pero bumabawi nmn ako. Minsan nakakamiss padin ung anim pa din kayo. Huhu :")))
Thank you so much sa love, sa trust, sa pagappreciate sakin at sa lahat lahat na! Sobrang mahal ko kayo! Happy 3rdyr Anniversary DOWN TO MARS. More more years to come pa na sama sama tayo! i will always be with you guys no matter what. Forever.
Wala pala kong pic na kasama kayong lahat =__= grabe lang. hahaha
#DTMemoryLane #Happy3rdYearAnnivDTM
Search